Magdadagdag pa ng 1,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Ang hakbang na ito ay para pahintulutan ang gobyerno na kumuha pa ng maraming indibidwal makaraang higit 10,000 katao ang nag-apply para sa 5,000 job openings ng contact tracing.
Sinabi ni Bello na nasa P65 million ang idagdag ng ahensya sa budget ng TUPAD program na nasa P231 million upang madagdagan pa ang 6,000 contact tracers.
Nasa P16,000 kada buwan ang sahod ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.
Ang TUPAD ay isang cash-for-work program ng DOLE na layuning tulungan ang mga informal workers na magkaroon ng hanapbuhay sa gitna ng pandemic.
Isa kasi ang contact tracing sa mahahalagang papel upang kontrolin ang pagkalat ng deadly virus sa bansa, lalo na ngayong nakararanas ng pagtaas muli sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Paliwanag pa ni Bello na ang karagdagang 1,000 contact tracers ay kukunin sa mga aplikante. Tatagal ang application perion mula Abril 17 hanggang 22 ng kasalukuyang taon.