-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang nasa dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng kumpanyang Sinovac na binili ng gobyerno.
Dakong 7:20 ng gabi ng Huwebes ng lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang eroplanong pinagsakyan ng mga bakuna.
Pinangunahan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr ang pagsalubong ng nasabing mga bakuna.
Sinabi nito na ang 1 milyon ng nasabing bagong dating na bakuna ay mapupunta sa National Capital Region (NCR) Plus habang ang kalahati nito ay sa mga probinsiya.
Inaasahan naman darating din ngayong araw ang nasa 15,000 doses ng Sputnik V vaccine at 578,000 doses din ng AstraZeneca vaccine.