-- Advertisements --

Nakatanggap muli ang gobyerno ng karagdagang 272,610 doses ng COVID-19 vaccines mula sa kompaniyang Pfizer-BioNTech.

Pasado alas-8:00 ng Lunes ng gabi ng dumating ang eroplanong pinagsakyan ng nasabing bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) Assistant Secretary Wilben Mayor na ang nasabing mga bakuna ay binili ng gobyerno sa pamamagitan ng Asian Development Bank.

Ang naturang bilang din ay dagdag pa sa naunang dumating na mahigit 900,000 na bakuna nitong nakalipas din na Lunes ng hapon.