-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aasahan na tuloy-tuloy na ang vaccination roll out sa Davao matapos na dumating na ang dagdag na 11,100 doses ng Gamaleya Sputnik vaccines sakay ng Philippine Airlines flight PR1809.

Sinasabing sa 11,100 doses, nasa 900 nito ang inilaan para sa 2nd dose at 10,200 ang sa 1st dose ng A1 hanggang A5 eligible priority groups.

Matatandaan na nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na magparehistro at samantalahin ang pagdating ng mga bakuna para agad na makamit ang herd immunity.

Ilan rin sa mga Dabawenyo ang nabakunahan na at target sa lungsod ang higit isang milyong populasyon para magkaroon ng sapat na proteksiyon laban sa virus.