Inaprubahan na ng Department of Agriculture ang alokasyon ng karagdagang budget na may halagang P82.5 milyong piso para sa produksyon ng bigas sa Iloilo na isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng lokal na bigas sa bansa.
Layon ng budget na mas palakasin pa ang produksyon sa naturang probinsiya para matulungan ang mga magsasaka na madagdagan ang kanilang ani at mapataas ang kanilang kinikita.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., nananatili kasing adhikain ng kasalukuyang administrasyon na makapag-abot ng tulong sa milyong kababayan na siyang dumedepende sa benepisyong nakukuha nila mula sa agrikultural na sektor ng bansa.
Ang budget ay ilalaan bilang suporta sa produksyon ng mga hybrid rice kung saan magdadagdag ng 16,500 na ektarya ang ahensya para dito.