Kasalukuyang tinutukoy na ng Office of Civil Defense (OCD) ang karagdagang evacuation sites sa lalawigan ng Albay sa gitna ng pagdami pa ng mga residenteng inililikas bunsod ng patuloy na pag-alburuto ng Bulkang Mayon.
Ito ay matapos na sumampa na sa mahigit 17,000 mga residente ang inilikas at kasalukuyang nasa 25 evacuation centers sa probinsiya.
Ayon kay OCD spokesperson Raffy Alejandro, nakikipag-tulungan na ang OCD sa pamahalaang panlalawigaan ng Albay para madagdagan pa ang evacuation sites na lubhang kailangan sakaling itaas pa alert level 4 mula sa Alert level 3 ang alerto sa bulkan at kapag palawigin pa sa 7 kilometers ang permanent danger zone kung saan nasa 7,000 indibidwal ang kailangan ng palikasin.
Dagdag pa ng OCD official na tinatayang aabot sa 30,000 pamilya ang inaasahang inilikas patungo sa mga evacuation centers kapag lumala pa ang sitwasyon dahil sa pag-alburuto ng bulkan.
Ayon sa opisyal, sisimulan ang proseso ng pagdecongest sa mga evacue mula sa maliliit na evacuation sites sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at sa Education and Public Works departments.