Ipinahayag ni sociology professor Lee Joo-hee ng Ewha Womans University ang aniya na hindi sagot ang foreign domestic workers sa lumalalang demographic crisis ng kanilang bansa.
Kung matatandaan, nauna nang nakakuha ng 100 Filipino domestic helpers ang Ministry of Employment and Labour ng Seoul metropolitan government upang mapunan ang mga ‘working parents’ at mapataas ang ‘falling birth rates’ sa South Korea. Plano rin ng ahensya na kumuha ng karagdagang 500 hanggang 1k Filipino caregivers sa susunod na mga taon.
Kinuwestyon naman ni Power Party lawmaker Na Kyung-won sa South Korea ang masyadong magastos na programa ng bansa.
Makakatanggap kasi ang mga nasabing Filipino caregivers ng minimum wage na may katumbas na pitong dolyar kada oras at may kabuuang 40 oras kada linggo.
Dagdag pa ni Won na puwede naman daw na mag hire sila nang sarili nilang kababayan upang matulungan ang mga domestic labor dahilan sa patuloy na pagbaba ng ‘labour force participation’ ng mga kababaihan sa South Korea.
Ayon naman kay Joo-hee kung ang batayan ng pagbibigay ng karampatang benepisyo ng bansa para sa mga nakuhang Filipino caregivers ay mas maraming babaeng South Korean ang nakahanda umano para gawin ang nasabing trabaho.
Samantala, ayon sa statistics ng South Korea, noong 2022 umabot na sa 107,000 domestic workers na may 90 porsyento ang nasa edad 50 pataas ang nagtatrabaho sa bansa.