-- Advertisements --

Dumating na bansa ang panibagong 391,950 doses na Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado 10 ng gabi ng Setyembre 29.

Sinalubong mismo ni vaccine czar Carlito Galvez ang nasabing mga bakuna.

Sinabi nito na ang prioridad na mabigyan ng nasabing mga bakuna ang mga nasa rehiyon 3 at 4.

Kailangan aniyang mahabol ang nasabing mga pagpapabakuna doon dahil maapektuhan ang National Capital Region (NCR) kapag tumaas ang kaso doon.

Dahil sa pagdating ng nasabing mga bakuna ay aabot na sa kabuuang 70 milyon ang bakuna na dumating na sa bansa.