Maglalagaya ang Department of Transportation (DOTr) ng dagdag na K9 units sa mga estasyon ng Metro rail Transit Line 3 (MRT-3) at maging sa mga estasyon rin ng Light Rail Transit (LRT) bilang karagdagang seguridad.
Sa naging inspeksyon kasi ni Transportation Secretary Vince Dizon, nakita niya na isa sa dahilan ng mahahabang pila sa mga estasyon ng MRT ang pagdaan ng mga gamit ng mga pashero sa x-ray scanners.
Ani Dizon, makakatulong sa mga pasahero at maiiwasan ang mahahabang pila kung tuluyan nang alisin ang mga scanners sa mga estasyon.
Kaya naman magtatalaga na ng karagdagang K9 units ang ahensya sa mga estasyon para sa mas mabilis na pagcheck ng mga gamit at bagahe ng mga pasahero.
Samantala, magkakaroon rin ng mga artificial intelligence enabled CCTV cameras ang pamunuan ng mga tren bilang bahagi ng kanilang inisyatibong mapabilis ang mga pila nang hindi nakokompormiso ang kaligtasan at seguridad sa mga estasyon.