Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbubukas sila ng karagdagang 16 ruta para sa mga tradisyunal na jeepneys.
Bunsod ng mga bagong ruta na bubuksan, papalo sa 816 na karagdagang traditional na jeep ang makabibiyahe simula bukas, Nobyembre 11.
Kabilang sa mga modified na ruta para sa mga tradisyunal na jeep ang mga sumusunod:
– Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez (Brgy. Ugong), Vargas Ave.
– Edsa/Shaw Blvd – E. Rodriguez /Ortigas Ave.
– Edsa/Shaw Blvd – E.R. Ort via Shaw Blvd
– Edsa/Shaw Central – Pateros
– Dapitan- Libertad via Mabini
– Dapitan- Pasay Rtda via L. Guinto
– Del Pan – Guadalupe
– Divisoria – Pasay Rtda via L. Guinto
– Divisoria – Punta via Sta. Mesa
– Libertad – QI via L. Guinto
– Malanday – Pier South
– Proj. 2&3 – Remedios via E. Rodriguez
– Filinvest City Located at Alabang, Muntinlupa
– Kabihasnan – Sucat
– Nichols – SM Mall of Asia via Macapagal Ave
– Sucat – Market Market (Fort Bonifacio, Taguig)
Ang mga roadworthy PUVs ay maaaring makabiyahe basta’t may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang nakarehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa memorandum.
Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR Code na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.
Mada-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB.
Kasabay nito, nagpaalala rin ang LTFRB sa mga traditional jeepneys na sundin ang mga patakaran ng ahensya.
Sinumang mahuli na lalabag sa mga probisyon ng inilabas na kautusan ay papatawan ng kaukulang parusa, tulad ng pagmumulta at pagkatanggal ng kanilang ng CPC o PA.