-- Advertisements --
COTABATO CITY – Nasundo ang dagdag pang 70 returning overseas Filipinos (ROF) at 34 locally stranded individuals (LSI) sa mga paliparan ng Davao City at General Santos City.
Ito ay dala ng patuloy na operasyon ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga nasundo ng task force sa serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa mga umuuwing ROFs at LSI sa probinsya.
Kabilang si Raffy Aseno, isang LSI na galing sa Maynila na nagpasalamat sa didikasyon ng TF Sagip bunsod ng patuloy na pagsundo sa gitna ng hamon ng pandemya.