Inaprubahan na ng National Capital Region Wage Board ang dagdag na P35 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa pribadong sektor sa Metro Manila ngayong araw.
Base bagong Wage Order No. NCR-25, epektibo sa hulyo 17 ang minimum wage rates para sa non-agriculture sektor ay magiging P645 na mula sa kasalukuyang P610.
Habang sa agriculture sector, service at retail establishments na mayroong 15 empleyado o mas mababa pa at manufacturing establishments na may roon lamang mas mababa sa 10 na empleyado ay tataas na sa P608 mula sa kasalukuyang P573.
Ayon sa wage board ang bagong minimum wage rates ay para sa normal working hours na hindi lalagpas sa 8 oras kada araw.
Matatandaan na bago maaprubahan ang dagdag na sahod, naghain ang iba’t ibang labor groups ng 3 petisyon sa wage board para sa wage adjustments mula P597 hanggang P750.
Pinakahuling nagtaas ng sahod sa NCR ay noong Hulyo 16, 2023 kung saan P40 ang naging umento.