-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kailangan umano ng dagdag na police escort ang mga local officials sa lalawigan ng Maguindanao.

Kasunod ito nang pananambang kay Shariff Aguak Maguindanao Vice-Mayor Akmad Baganian Ampatuan na malubhang nasugatan at pagkasawi ng kanyang dalawang kasama na sina Hadji Akmad Lumenda Ampatuan at si Brgy Kagawad Elham Pasawilan Khalid.

Pinuna ng mga kamag-anak ang hindi pagbibigay ng police escort kay Ampatuan na pangalawang beses nang tinambangan.

Si Vice-Mayor Akmad Ampatuan ay isa sa mga testigo ng Maguindanao Massacre case laban sa kanyang mga kamag-anak na isinangkot sa karumal dumal na pagpatay sa 58 ka tao kabilang na ang 32 Media.

Kung nagkataon na may Police escort si Ampatuan ay posibleng magdadalawang isip ang mga suspek na itoy tambangan.

May mga local officials din sa Maguindanao ang walang police escort at buwis buhay sa kanilang trabaho dahil sa banta ng kanilang seguridad.

Mula nang ideklara ang martial law Mindanao ay halos nawalan na ng mga police at AFP escort ang mga politiko sa Maguindanao.

Umaasa ang LGU-Maguindanao na sa pagtatapos ng Martial Law ngayong Disyembre 31 ay maibabalik na ang kanilang mga police at AFP escort.