-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Ipinaabot ni 3rd District Legislative Representative Jose “PingPing” Tejada kay Governor Nancy Catamco at sa mga Division Heads at Administrative Officer ang balita kaugnay sa dagdag na pondo ng Department of Transportation para sa operasyon ng Central Mindanao Airport.

Sinabi ni Tejada na ang pondo ay para sa karagdagang pasilidad at pagsasaayos ng mga amenities sa paliparan.

Kinumpirma rin ito ng Gobernadora mula sa personal na text message na ipinaabot sa kanya ni DOTR Secretary Arthur Tugade. Tiniyak ng kalihim kay Catamco ang pagtatalaga ng dagdag na pondo sa taong 2021 para kumpletuhin ang mga proyekto sa CMA at tuluyan na itong mabuksan sa susunod na taon.

Kabilang ang operasyon ng airport sa mabilisang isinusulong nig Gobernadora dahil nananiwala sya na makakatulong ito ng malaki sa muling pagbangon ng ekonomiya na naapektuhan ng pandemya.