-- Advertisements --

Welcome sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang isinusulong na karagdagang pondo ng PNP at Bureau of Fire Protection para makatulong sa Disaster and Relief Operations.


Ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, malaki aniya ang maitutulong nito lalo pa’t itinuturing na frontliners ang mga Pulis at Bumbero pagdating sa mga sakuna tulad ng Bagyo

Nakita naman aniya sa nakalipas na mga bagyo ang mga pagsusimikap ng PNP na makatugon sa tawag ng tungkulin sa kabila ng kakulangan nila sa kagamitan

Sa katunayan ayon kay Sinas, nakapagsumite na sila ng listahan ng mga kagamitang kinakailangan nila sa Disaster Response Operations tulad ng mga rubber boat at iba pa.

Isinusulong nina dating PNP chiefs at ngayon ay Senators Panfilo Lacson at Ronald Dela Rosa ang karagdagang pondo para sa PNP.

Isinulong din ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang karagdagang pondo para sa PNP Training and Refresher Education Program para mapalago ng mga Pulis ang kanilang kaalaman sa pagganap sa tungkulin.

Nagpapasalamat naman ang PNP sa dalawa nilang dating hepe na ngayo’y mga Senador sa pagsusulong na dagdagan ang pondo ng PNP at BFP para sa Disaster and Relief Operations.