-- Advertisements --

Kinumpirma ni Comelec Comm. Rowena Guanzon na inaprubahan na ng commission en banc ang dagdag na pondo para sa overseas absentee voting (OAV).

Ayon kay Guanzon, gagamitin ito sa postage ng overseas ballots na hindi pa naipapadala.

Matatandaang ginamit muna ng poll body ang ibang bahagi ng pondo, ngunit hindi ito naging sapat, lalo’t milyon-milyon din ang gastos sa pagpapadala ng mga balota.

Pinawi naman ni Guanzon ang pangamba ng marami sa atrasadong paghahatid ng voting documents.

Aniya, mayroon pa namang 17 araw para maihabol ang pagboto ng mga kababayan natin na nasa ibang bansa.

Nag-ugat ang problema sa pondo ng OAV dahil sa natagalang pagpasa sa 2019 national budget.