-- Advertisements --

facility1
Photo courtesy TDCA PLt. Gen. Joselito Vera Cruz

Kinumpirma ng pamunuan ng Administrative Support For Covid-19 Task Force (ASCOTF) na nagbukas pa sila ng dagdag na quarantine facilities sa loob ng Camp Crame.


Ito ay sa gitna ng pagtaas ng mga aktibong kaso ng Covid 19 sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration at ASCOTF Commander LtGen. Joselito Vera Cruz, na mismong si PNP Chief Gen. Dionardo Carlos ang nag-utos na i expand ang kanilang mga quarantine at isolation facilities para ma-accomodate ang mga personnel na nagpositibo sa virus.

” Nag e-expand na kami ng facilities Anne based on the instruction of our CPNP to accommodate the surge. We have also issued guidelines on home quarantine & isolation as allowed by latest IATF resolution to decongest our facilities,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Ayon naman kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, nasa 80 beds ang dinagdag sa Training Service Facility, at 100 beds ang inilagay sa Badminton Court para sa mga tauhan nilang nag-positbo sa corona virus.

Paliwanag ni Gen. Carlos, ang hakbang ay pro-active measure para kung sakaling dumami pa ang kanilang mga tauhan na kailangang I-quarantine.

Samantala, ang Kiangan treatment facility ang nananatiling pangunahing quarantine facility ng PNP sa Camp Crame para sa mga may mild symptoms.

Habang maaring mag-home quarantine naman ang mga tauhan ng PNP na asymptomatic, at kailangang lang na iulat ang kanilang pang-araw araw na kondisyon sa nag-mo-monitor na medical team.

Ngayong araw, sumirit na sa 2,843 ang aktibong kaso ng Covid 19 sa hanay ng PNP.

Sa datos ng PNP Health Service nasa 444 cases ang naitala ngayong araw mas mababa kumpara kahapon na nasa 537.

Nasa 12 naman ang naiulat na naka rekober sa sakit at nananatili sa 125 ang nasawi.