Maaasahan nang maipagkakaloob ngayong September payroll ng mga guro ang dagdag sa kanilang suweldo.
Base ito sa Executive Order 64 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto 2, 2024.
Sa naging budget hearing ay sinabi ni Education Sec. Sonny Angara na may instruction ang Department of Budget and Management (DBM) na pwedeng gamitin ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang savings para maibigay agad ang taas-sahod at ito ay papalitan na lamang.
Sabi naman ni DepEd Usec. Analyn Sevilla na tatlong rehiyon na ang nakapag patupad ng salary differential, limang rehiyon ang nagpalabas na ng partial payments, at ang nalalabi ay nasa proseso na rin.
Kasama sa matatanggap ng mga guro ang retroactive increase para sa buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong 2024.
Samantala, sinimulan na rin ng Cordillera Administrative Region (CAR), Region 7 (Central Visayas), Region 10 (Northern Mindanao), at Region 11 (Davao Region) ang partial release ng kanilang Notice of Official Salary Adjustment (NOSA).