-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Aprubado na ng Comittee on Finance Budget and Management ang panukalang 100 percent na dagdag na honorarium ng mga Barangay Health Workers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Maliban sa dagdag sahod inaprubahan rin ang dagdag na 2,600 BHWs na force multipliers sa kasalukuyang bilang ng mga ito sa rehiyon.

Ito ay bahagi ng panukala ni Parliament Member Dr. Hashemi Dilangalen kasabay ng deliberasyon ng 2023 budget plan ng Ministry of Health.

Todo pasalamat si MP Dilangalen sa komite sa pag-abpruba sa kanyang panukala.

Nilinaw ni Dilangalen na napakalaking tulong ang anim na libong mga BHW sa BARMM lalo na sa patient ratio sa rehiyon.

Napakahalaga sa kanila ang dagdag na honorarium upang kilalanin ang kanilang kontribusyon sa primary health care services sa mga komunidad sa Bangsamoro region.

Sa ngayon aprubado ng CFBM ang 6.5B pesos na pondo ng MOH para sa taong 2023.

Nagpasalamat rin ang libo-libong BHWs sa BARMM kay Dilangalen at sa komitiba sa pag-aproba sa kanilang dagdag sahod.