-- Advertisements --
Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang magtataas sa excise tax sa mga tobacco product.
Sa bilang ng botong 20- pabor at walang pagtutol, inirerekomenda sa Senate Bill No. 2233 na itaas sa P45 kada pakete ang excise tax sa sigarilyo simula sa 2020; P50 sa 2021, P55 sa 2021 at P60 sa 2023 at taunang pagtaas ng limang porsyento sa susunod na mga taon.
Ayon sa sponsor ng bill na si Senate ways and means chairman Sen. Sonny Angara, layunin nitong mabawasan ang naninigarilyong mga Filipino at para mapataas ang pondo ng Universal Health Care program na pinaiiral ng pamahalaan.
Matapos maaprubahan, dadalhin na ng Senado ang bersiyon nila sa House of Representatives.