CENTRAL MINDANAO-Makakaasa na may tulong na darating mula sa National Government Agencies ang mga lugar na lubos nasalanta o ground zero dahil sa landslide at flashflood bunsod ng Severe Tropical Storm Paeng sa mga probinsya ng Maguindanao del Sur, Maguindanao del Norte,North Cotabato at Sultan Kudarat.
Dumating sina Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. ng Department of National Defense, Sec. Erwin Tulfo ng Department of Social Welfare and Development Office, Sec. Benjamin Abalos Jr. ng Department of Interior and Local Government, Sec. Antonio Lagdameo Jr. ng Special Assistant to the President at Senator Robin Padilla para malaman ang sitwasyon ng ginagawang Retrieval and Relief Operations sa ground zero.
Sinabi ni Sec. Lagdameo Jr. na pinapadali ang darating na tulong mula sa national government at iba pang mga kailangan na gawin. “Let us keep in touch with each other. We’re here to help and make things easier para wala tayong maraming problema. We will make sure ang assistance would come”, ayon kay SAP Lagdameo Jr.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim Al-Hajj sa pagbisita ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.
“In behalf of the BARMM we express our big thanks sa pagbisita nyo sa amin”, aniya.
Iginiit nito na may mapagkukunan pa silang pondo para sa tulong na ibibigay sa mga naapektuhang pamilya na residente ng BARMM.
“Nakita namin meron pa kaming mage-generate (funds) at kung ano man yung sa tingin ninyo na maitutulong para sa amin we are very thankful”, pahayag ni ICM Ebrahim Al-Hajj.
Siniguro naman ni DND Sec. Faustino na maihahatid ang tulong lalong-lano na sa relief efforts ngayon na ginagawa ng national government para sa mga nabiktima ng pagbaha at landslide.
“Sinisiguro natin na matutukan ang ating mga relief efforts sa mga affected areas”, ayon kay Sec. Faustino.
Iginiit naman ni Major Generel Roy Galido, Commander ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division na naatasang maging Incident Commander sa retrieval at relief efforts na nagtutulungan ang lahat ng mga uniformed personnel sa area of operation ng JTF Central para sa nasabing operasyon.
“We unified our efforts and doing it systematically sa disaster na ito”, giit pa ni Maj. Gen. Galido.