Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng karagdagang P2,000 monthly financial support sa mga miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).
Nakapaloob ito sa inilabas na Executive Order No. 94 ni Pangulong Duterte.
Batay pa sa naturang Executive Order, magsisimula ang bilang ng ibibigay na financial assistance sa July 1, 2019.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ito ay bilang pagkilala sa hindi matatawarang ambag ng mga CAFGU Active Auxilliary Units sa pagtulong para masupil ang external at internal threats sa seguridad ng bansa.
Kasabay nito ay inatasan din ni Pangulong Duterte ang Department of Budget and Management (DBM) na tiyaking may ilalaang pondo para sa monthly financial support ng mga miyembro ng CAFGU.
Magugunitang noong nakaraang taon ay naglabas din ng Executive Order 69 ang MalacaƱang na nagmamando naman na mataasan ang financial support ng mga CAGFU sa P7,000.