-- Advertisements --
Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.
Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.
Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot na sa 13.04 million doses.
Sinasabing sa naturang bilang ang 7.31 million doses ay mabili ng pamahalaan, habang ang tatlong milyon naman ay donasyon ng WHO COVAX facility at ang 2.72 million doses ay nabili ng private sector.
Una rito, kagabi rin isang Hong Kong Airlines plane ang dumating sa Pilipinas sakay ang 301,860 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.