-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kaninang alas-8:01 ng umaga sakay ng Cebu Pacific flight 5J671 ang mga bakuna.

NTF SINOVAC JUNE28

Kabilang sa mga sumalubong sa shipment ng Sinovac vaccines si Dr. Ariel Valencia, director of the Procurement at Supply Chain Management Team ng Department of Health.

Aantayin muna ang pag-isyu ng certificate of analysis para sa Sinovac vaccines bago ito ipamahagi sa mga local government unit.

Kahapon, dumating ang inisyal na suplay ng mahigit 1.6 million Johnson and Johnson vaccine na donasyon ng US government sa pamamagitan ng COVAX facility ng WHO at inaasahang darating ang ikalawang shipment ngayong araw, July 17, sa kabuuan 3.2 million doses ng bakuna.

Iniulat ngayon ng World Health Organization na meron ng kabuuang 14.5 million doses ng CoronaVac na natanggap ang Pilipinas.

Sinasabing ang Sinovac ay 51% effective laban sa symptomatic COVID-19 infection, habang 100% effective naman kontra sa severe virus at 100% effective para maiwasan ang hospitalization makalipas ang dalawang linggo na maturukan ng second dose. (with reports from Bombo Everly Rico)