-- Advertisements --

Muling nakatanggap ang bansa ng 720,000 COVID-19 vaccines na donasyon mula sa gobyerno ng Australia sa pamamagitan ng UNICEF.

Lumapag ang eroplanong pinagsakyan ng Pfizer COVID-19 pasado alas-9:00 nitong Lunes ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport.

Ang nasabing mga bakuna ay inilaan para sa pagpapaturok sa mga menor de edad.

Ito ang pangatlo na deliveries na natanggap ng bansa na mayroong kabuuang tatlong milyon.