-- Advertisements --

Tapos nang itayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Batangas City ang mga pansamantalang treatment facilities para sa mild to severe cases ng coronavirus disease.

Ang pasilidad na ito sa Batangas Medical Center (BatMC) ay mayroong 10-room intensive care unit (ICU) at 21-room isolation at monitoring facility.

Sinabi ni DPWH Undersecretary Emil Sadain na inihahanda na ng ahensya ang pasilidad kasunid ng final punchlisting na isinagawa noong Sabado.

“With completed civil works and medical equipment now being set-up, the facility should be ready by first week of May 2021 to accommodate the surge in cases including spillover patient from Metro Manila and nearby province in Southern Tagalog Region,” pahayag ni Dr. Ramoncito Magnaye, chief of the Batangas Medical Center.

Matatagpuan ang medical facilities na ito sa 3,678 square meter rotonda lot sa harap ng ospital.

Bukod sa treatement at isolation facilities, nagtayo rin ang DPWH ng makeshift dormitory na may 22 kwarto. Kaya nitong mag-accomodate ng 44 na healthcare professionals.

Nagpasalamat din si Magnaye sa ahensya para sa paghanap nito ng paraan upang suportahan ang pangangailangan ng capacity expansion dahil nahihirapan na rin ang naturang ospital sa paggamot ng mga COVID-19 patients.