-- Advertisements --
US assistance covid

Magbibigay nang dagdag pang P269 million na assistance ang Estados Unidos sa ginagawang kampanya ng Pilipinas laban sa pagkalat pa ng COVID-19.

Iniulat ng US Embassy na ang naturang ayuda ay makakatulong sa “infection prevention and control efforts” ng Pilipinas kontra sa coronavirus.

Ang mga assistance mula sa Amerika ay meron ng kabuuang P470 million kung saan una nang nagpaluwal din ito ng P203 million para naman sa laboratory systems at donasyon na 1,300 beds at medical facilities.

“The funding also will assist Filipino and international technical experts in risk communication, infection prevention and control efforts, handwashing and hygiene promotion, and community-level preparedness and response,” bahagi pa ng statement ng embahada.

Nilinaw naman ng US Embassy na liban sa mga nabanggit ang Agency for International Development (USAID) ay tumutulong din sa aspeto ng logistics sa Department of Health (DOH)

“USAID’s online learning modules are boosting capacities in more than 100 hospitals across the country with the most up-to-date COVID-19 infection prevention and control information and skills. This assistance also helps individuals, families, and frontline community and hospital heath care workers to protect themselves from infection.”