-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag pasahe sa mga traditional at modern jeepneys, kasama na sa mga bus, taxi, at sa tinaguriang transport network vehicle services (TNVS).

Sa statement ng LTFRB pinagbasehan umano sa kanilang desisyon ay ang mga petisyon ng ilang mga transport groups.

Kabilang sa pinagtibay ng LTFRB ay ang dagdag na P1 provisional increase sa minimum fare sa unang apat na kilometro sa parehong traditional at modern jeepneys.

Nangangahulugan na sa mga traditional public utility jeepney (TPUJ) ay magiging P12 na ang minimum na pasahe habang sa modern PUJ (MPUJ) ay nasa P14.

JEEP

Inaprubahan din ng ahensiya ang dagdag pasahe sa P0.30 sa susunod na kilometer para sa TPUJ, samantalang additional P0.40 kada sunod na kilometro para naman doon sa MPUJ.

Sa kabilang dako para naman sa mga public utility buses (PUB), sumang-ayon din ang LTFRB ng P2 uniformed base fare hike para sa city at provincial buses sa unang limang kilometro at sa susunod na kilometro ang taas pasahe sa P0.35 hanggang sa P0.50 depende sa klase ng bus.

Para naman sa flagdown rate sa mga taxis at TNVS ay pinayagan din ang adjustment ng P5.00.

Nagpaliwag pa ang LTFRB na kung maging epektibo na ang minimum fare sa taxis at sa Sedan-type TNVS ay magiging P45, habang ang AUV/SUV-type na TNVS ay magiging P55.

Ang hatchback-type naman na TNVS ang flagdown rate ay nasa P35.

Pero wala ng pagtaas sa mga susunod na kilometro.

Nilinaw din naman ng LTFRB na ang fare increases ay magiging epektibo pagkalipas ng 15 araw matapos itong malathala sa newspaper na may general circulation o kaya ipapatupad na ito sa unang linggo ng Oktubre.

Binigyang diin din ng LTFRB na ang 20% discount sa mga senior citizens, persons with disability at mga estudyante ay epektibo pa rin.

Unang sinabi ng board na kinikilala nila ang hiling na dagdag pasahe dahil pa rin sa serye ng oil price hike kamakailan.

“LTFRB earlier said that the agency recodnized the need for a fare increase following the continuing rise of oil prices and consulted the National Economic Development Authority (NEDA) and the Department of Energy (DOE) on the matter,” bahagi ng LTFRB statement.