-- Advertisements --

Positibo ang tugon ng maraming mga operators ng pampublikong sasakyan matapos na aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang dagdag na pasahero simula sa Setyembre 14.

Ang nasabing rekomedansiyon ay isinulong ni Economic Development Cluster ng Department of Transportation (DoTr).

Nakasaad sa aprubal ay ang pagbabawas ng mga distansiya ng mga pasahero.

Isang halimbawa dito ay kung dating mayroong isang metro ang layo ng bawat pasahero ay magiging .75 metro na lamang ito.

Posibleng gawin rin itong .5 metro sa susunod na 2 linggo at .3 metro sa dalawang susunod na linggo at papayagan rin ang mga nakatayo at nakasabit sa mga bus basta nasusunod lamang ang tamang social distancing.

Sinabi naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na bawal pa rin ang pag-uusap at pagtawag sa telepono sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

Epektibo rin ang nasabing bagong patakaran sa mga LRT at MRT.

Paglilinaw pa ng kalihim na mahigpit pa rin na ipapatupad ang mga safety measures gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at paglalagay ng mga sanitizer o alcohol sa mga pampublikong sasakyan.