-- Advertisements --

Nagsimula ngayong araw ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas o LPG.

Ayon sa Petron, mayroong P0.96 ang taas-presyo sa kada kilo ng LPG at P0.54 naman ang idadagdag sa kada kilo ng auto-LPG.

Nauna ng nagpatupad din ang dagdag-presyo sa mga produktong langis.

Mayroong P1.15 kada litro ang idinagdag simula alas-6:00 sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong tig-P1.10 ang itataas sa kada litro ng kerosene at diesel.

Itinuturong sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga produktong langis ay ang nalalapit na ng paglabas ng bakuna laban sa COVID-19.