-- Advertisements --
Nakaamba ang pagtaas ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa pagsisimula ng buwan ng Oktubre.
Ayon sa mga samahan ng LPG sa bansa na ang nasabing pagtaas ay dahil sa pagpapasabog sa oil facility ng Saudi Arabia.
Nasa P4.00 hanggang P5.00 ang itataas sa bawat kilo ng LPG o katumbas ng P44 hanggang P55 sa bawat 11 kgs. na tangke ng LPG.
Sa kasalukuyan ay mayroong P550 hanggang P695 ang presyo ng kada 11 kilo ng tangke ng LPG.
Pinayuhan ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau director Rino Abad na agahan na ang pagbili ng nasabing mga LPG.