-- Advertisements --

Walang ipapatupad na dagdag presyo sa mga delata at mga pangunahing bilihin.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi sila magtataas ng presyo kahit na nagkakaroon ng pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na inaayos pa lamang nila ang hirit ng mga meat processor na humihirit ng taas presyo.

Noon pang 2020 ay maraming mga manufacturer ng gatas, instant noodles, sardinas at ibang produkto ang humirit ng dagdag presyo.

Paliwanag pa ni Castelo na binabalanse nila ang kalagayan ngayon dahil maraming mga mamamayan natin ang naghihirap dulot ng pandemya.