-- Advertisements --

Asahan na ang panibagong round ng oil price hike sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng oil industry, tataas ng mula sa P0.10 sentimos hanggang P0.50 sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina.

Mayroon ding inaasahang price hike mula P0.70 sentimos hanggang P1.10 sentimos sa kada litro ng diesel, habang P0.60 sentimos naman hanggang P1.00 sentimos ang posibleng itaas sa kada litro ng kerosene.

Iaanunsyo tuwing Lunes ang opisyal na price adjustment habang tuwing Martes naman naipatutupad ang pagbabago sa presyuhan ng mga produktong petrolyo.