-- Advertisements --
Muling magtatakda ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa ika-anim na magkakasunod na linggo.
Tataas mula P1.10 hanggang P1.30 ang singil sa kada litro ng gasolina.
Habang nasa P1.00 hanggang P1.10 naman ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.
Papatak naman sa P1.15 hanggang P1.25 itataas ng presyo sa kada litro ng kerosene.
Samantala, batay sa datos ng Department of Energy (DOE) ay pumalo na sa P5.70 ang total net increase ng year-to-date adjustments stands sa kada litro ng gasolina, habang nasa P7.95 sa kada litro ng diesel, at nasa P7.20 kada litro naman sa kada litro kerosene.