-- Advertisements --
fuel

Tuloy na ang ipatutupad na umento sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga energy sources, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng pumalo sa P0.50 hanggang sa P0.90 kada litro.

Parehong oil price adjustment din ang posibleng ipatupad sa kada litro ng gasolina.

Habang ang kerosene ay posibleng walang paggalaw o nasa P0.40 ang dagdag sa kada litro.

Kung maalala, noong Martes ay nagkaroon ng bawas sa kada litro ng mga produktong petrolyo.

Ang gasolina ay mayroong P0.75 na bawas kada litro habangang diesel ay P2.80 kada litro.

Maging ang kerosene ay malaki rin ang bawas na nasa P2.10 kada litro.

Dahil sa pinakahuling paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo ang net increase ngayon ay P2.15 kada litro sa gasolina at P0.95 naman sa kada litro ng kerosene habang ang dieselay mayroong net decrease na P0.70 kada litro.

Ang oil price adjustment ay karaniwang inaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinatutupad kinaumagahan o sa araw ng Martes.