-- Advertisements --

Hindi pinagbigyan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hiling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Paliwanag ng sangay ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NCR, hindi saklaw ng hurisdiksyon nito ang naturang petisyon ng TUCP.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si TUCP spokesperson Alan Tanjusay ukol dito at iginiit na mas pinaboran ng RTWPB ang business sector sa halip na mga manggagawa.

Magugunita na noong Marso 14 ay naghain ng petisyon ang naturang grupo na itaas sa P1,007 ang kasalukuyang P537 na minimum wage sa NCR sa kadahilanang hindi ito sapat.

Samantala, sinabi naman ni Tanjusay na plano nilang maghain muli ng panibagong petisyon ukol dito.