-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na laging may posibilidad para sa dagdag na sahod sa taong 2024 subalit nakasalalay pa rin ang pinal na desisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs).

Nilinaw din ng kalihim na wala sa kaniya ang pinal na desisyon sa naturang usapin dahil isa ito sa mga tungkulin ng wage board.

Binigyang-diin pa ni Sec. Laguesma na sinusuring mabuti ng mga RTWPB ang sitwasyon saka gumagawa ng angkop na aksyon kung maghain man o hindi ng petisyon para sa dagdag sahod.

Sinusuri din ng DOLE, sa pamamagitan ng RTWPBs, kung ano pa ang magagawa ng mga employer para sa kanilang mga empleyado nang hindi nalalagay sa panganib ang operasyon ng kanilang mga kumpanya.

Sinabi din ni Laguesma na iginagalang niya ang pangangailangan ng mga RTWPB na mapanatili ang kanilang integridad at kredibilidad nang walang kinikilingan o anumang impluwensya kahit na mula sa kalihim ng DOLE.

Top