-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag na sahod para sa manggagawa at sa mga kasambahay sa Bicol Region at Zamboanga Peninsula.

Ayon sa DOLE na ang minimum wage sa Bicol Region ay magiging P435 na kada araw mula sa dating P395.

Ito ay ipapatupad sa dalawang tranches na ang una ay sa Abril 5 at ikalawa ay sa Disyembre 1, 2025.

Makikinabang dito ang nasa 100,414 na mga minimum wage earners sa rehiyon.

Sa Abril 5 din ay madadagdagan ng P1,000 ang sahod ng mga kasambahay na ito ay magiging P6,000.

Sa Zamboanga Peninsula, ay magkakaroon ng pagtaas ng P900 kada buwan ang pasahod sa mga kasambahay epektibo ito sa Abril 3.

Nangangahulugan nito na ang mga kasambahay sa chartered cities at first class municipalities ay makakakuha ng P5,500 kada buwan na sahod habang ang mga nasa ibang munisipalidad ay makakakuha ng P5,000 kada buwan.

Mayroong 18,984 na mga kasambahay sa Zamboanga Peninsula ang makikinabang dito.