-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroong matatanggap na dagdag sa kanilang sahod ang mga manggagawa ng Region 4A.

Ayon sa DOLE na naglabas na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board mula sa Region 4A ng wage hike order mula noong Setyembre 1.

Nakasaad dito na ang mga mangagawa mula sa non-agricultural sector ay mayroon ng P520 ang matatanggap na sahod sa isang araw.

Habang ang mga negosyo na mayroong 10 pababa ay mayroong P385 na arawang sahod.

Ang mga agricultural workers naman sa Calaca at Carmona ay mayroong P89 na dagdag sahod dahil ang reclassification ng kanilang lungsod bilang component cities.

Mabebenepisyuhan ng bagong wage hike order ng mahigit 700,000 na manggagawa mula sa nasabing rehiyon.

Magiging epektibo ang nasabing wage hike 15-araw matapos na ito ay mailathala sa mga pahayagan o sa Setyembre 24.