-- Advertisements --
Aprubado na ang dagdag sahod sa mga manggagawa ng Rehiyon 1.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na mayroong P33 na dagdag sa arawang sahod na magiging epektibo sa Nobyembre 7.
Base sa Wage Order 1-23 na magiging P435 na ang minimum sahod para sa mga agriculture at non-agriculture sector na mayroong empleyado na hindi lalagpas sa 10.
Habang magiging P468 namana ng sahod sa mga non-agriculture sector na may empleyado ng mahigit 10.
Sinabi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang nasabing dagdag sahod ay 8 percent na pagtaas mula sa nagdaang minimum wage rates sa rehiyon.
Makikinabang dito ang nasa 170,143 na minimum wage earners at 349,112 na full-time wag at salary workers.