-- Advertisements --

Aprubado na ang dagdag na sahod sa mga manggagawa ng pribadong sektor ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) na ang magkakaroon ng dagdag na P33 hanggang P40 sa arawang sahod ng mga manggagawa ng private sektor sa nasabing rehiyon.

Dahil dito ay magkakaroon na ng arawang minimum wage sa rehiyon na mula P485 hanggang P513 para sa mga non-agriculture sector at P480 naman sa mga agriculture sector.

Para naman sa mga non-agriculture workers sa commercial o industrial business na may empleyado ng mahigit 10 manggagawa ay naaprubahan ang P33 na arawang sahod na nangangahulugan na makakatanggap ang mga ito ng P513 mula sa dating P480.

Magiging epektibo ang nasabing dagdag sahod sa darating na Nobyembre 17.

Ang nasabing dagdag sahod ay makikinabang ang mahgiit 193,000 na mga minimum wage earners sa rehiyon.