KALIBO, Aklan—Kinuwestyon ng mga residente ng isla ng Boracay ang ipinalabas na Memorandum Order 394 ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan kung saan, nakasaad ang dagdag singil sa ilang watersports activities gaya na lamang ng snorkeling at island hopping na nasa P100 bawat indibidwal.
Ayon kay Gil Delos Santos, community leader sa Boracay na unconstitutional ang ordinansa na ipinapatupad dahil may environmental fee na binabayaran ang mga turista na pumapasok sa isla.
Malinaw aniya na pangingikil ito sa mga turista at anomalyang nangyayari dahil walang transparency sa collection.
Dagdag pa ni Delos Santos na posibleng idinesenyo ang ordinansa sa asosayon ng Boracay Picnic Activities Association (BPAA) partikular sa mga hindi pa nila miyembro.
Ang BPAA ay bagong asosasyon na namamahala sa island hopping at picnican na maaaring mga politiko ang nasa likod nito.
Nabatid na meron nang Boracay Island Hopping Association (BIHA) na may parehong operasyon sa negosyo sa isla.