-- Advertisements --

Maghihigpit ng sinturon ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) dahil makakaranas ito ng dagdag singil na pamasahe, matapos ipahayag ‘yan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na ipapatupad sa Abril 2, 2025.

Ayon sa binagong fare matrix, ang pinakamababang pamasahe para sa isang single-journey ticket ay tataas mula sa P15 patungong P20.

Layunin ng hakbang na ito na matugunan ang mga gastos sa operasyon at suportahan ang mga nakatakdang maintenance activity sa sistema ng riles.

‘The fare adjustment is necessary to maintain and improve LRT-1 services, including station upgrades, new train acquisitions, and better safety measures for passengers, ayon sa pahayag ng LRMC.

Samantala hinihikayat naman ang mga pasahero na suriin ang bagong update na fare matrix bago magbiyahe at alamin ang mga diskwento para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disabilities (PWDs).