-- Advertisements --
Magpapadala umano ang kampo ng Estados Unidos ng dagdag tropa militar maging ng military equipments sa Saudi Arabia at United Arabe Emirates upang paiigtingin pa ang seguridad sa mga nasabing bansa.
Ito ay bilang tugon na rin ni US President Donald Trump ng immediate military strike matapos ang nakaraang insidente ng pag-atake sa Saudi oil industry.
Ayon kay Defense Secretary Mark Esper, ang deployment na ito ay magiging depensa ng Saudi Arabia at UAE laban sa mas nagiging agresibong galaw ng Iran.
Hindi naman nito ibinigay ang eksaktong bilang ng militar na ipapadala at kung kailan ngunit kinumpirma nito na kasali ang air at missile defense units sa naturang deployment.