-- Advertisements --
Inaasahang aabot sa mahigit 110,000 byahero araw-araw ang lalabas at papasok na byahero sa Pilipinas ngayong holiday season batay sa pagtataya ng Bureau of Immigration.
Kung maaalala, noong nakalipas na taon ay sumampa sa 53,000 kada linggo ang arrivals na naitala ng BI sa mga paliparan.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, mas maluwag na ngayong kaya inaasahang mas madami ang mga byahero di katulad noong panahon ng pandemya.
Noong 2019 ay umabot lamang sa 55,000 ang daily arrivals habang 47,000 ang lumabas ng bansa sa parehong panahon ng Holiday Season.
Kaugnay nito, nagpatupad na rin ang ahensya ng ‘no leave policy’ para maasistehan ang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday.