-- Advertisements --

Tuloy-tuloy ang dagsaan ng mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange(PITX) ngayong araw, Oct 31.

Batay sa record ng PITX, mula kaninang madaling araw hanggang sumapit ang alas-9 ng umaga, mayroon nang mahigit 37,000 pasahero ang naitalang pumasok sa terminal para bumiyahe patungo sa kani-kanilang mga probinsya.

Ngayong araw kasi ay umarangkada na ang lahat ng biyahe at wala nang naitalang anumang kanselado.

Hanggang kaninang 9am, sinabi ng PITX na wala pang fully booked na biyaheng nakabase sa pinakamalaking central terminal sa National Capital Region.

Inaasahan namang magpapatuloy ang dagsaan ng mga pasahero sa PITX magdamag, hanggang may mga pampasaherong bus na bibiyahe patungo sa mga probinsya.