Dahil na rin sa direktiba ng pamahalaan na pansamantalang magsara ang mga private at public cemeteries sa undas, hiniling ngayon ni Archdiocese of Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ipagdasal na lamang ang kanilang mga mahal sa buhay sa kani-kanilang mga tahanan.
Ang mga sementeryo kasi ay isasara sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.
Ipinunto ng church leader ang kahalagahan ng pagtitipon-tipon ng mga pamilya para ipagdasal ang kanilang mga namayapang mga mahal sa buhay sa All Saint’s Day at All Soul’ Day.
Ang iaalay daw na dasal ay tanda ng pagmamahal natin sa ating mga nawalang mahal sa buhay at ito ay bilang pag-alaala sa kanila.
Mayroon na rin umanong inilabas ang Archdiocese of Manila Liturgical Commission ng dasal para sa mga namayapang mahal sa buhay na puwedeng gamitin ng mga pamilya sa kanilang mga tahanan.
Puwede itong i-download sa Facebook page ng mga parishes na nasa ilalim ng kanilang mga jurisdiction.
Hinimok na rin ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na dumalo sa mga banal na misa para mag-alay ng dasal sa mga namayapang mahal sa buhay sa Nobyembre 1 at 2.