KORONADAL CITY – Humantong sa pananaga ng sariling kapatid at pagkitil din ng kanyang sariling buhay ang di pagkakaunawaan at umano’y depression na dinaranas ng isang lalaki sa bayan ng Tupi, South Cotabato.
Ito ang inihayag ni Police MSgt. Rhea Luz Gatinao,information officer of Tupi Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang biktima na si Renato Casi, 30 anyos, may asawa at residente ng Purok 5, Brgy, Acmonan, Tupi, South Cotabato habang ang suspek ay mismong nakatatandang kapatid nito na si Ruben Casi, 36 anyos, pamilyado din at parehong residente sa nabanggit na lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, alas-3 ng madaling araw nang pinasok ng suspek na si Ruben ang kanyang katapid sa loob ng bahay nito at habang natutulog tinaga ang biktima at pagkatapos ay naglaslas din ng kanyang leeg.
Mabuti na lamang at naagapan si Ruben na nagtamo ng sugat sa gilid ng taenga nito ngunit binawian ng buhay ang suspek dahil sa ginawang pagpapakamatay.
Dagdag pa ni Gatinao, makailang beses na umanong nagtangkang magpakamatay ang suspek bago pa man ang insidente.
Napag-alaman na may sakit itong diabetes at dahil sa aksidente nagkaroon ng kapansanan sa paa at hindi na makapagtrabaho ng maayos kaya’t nagkaroon ng depression.
Sa ngayon, nagpapagaling na ang biktima sa South Cotabato Provincial Hospital habang dinala na sa punerarya ang kapatid nitong suspek.
Itinuturing naman ng Tupi Municipal Police Station na case close na ang insidente dahil namatay na ang suspek.