BUTUAN CITY – Simula ngayong araw ay wala ng pinapayagan ang lokal na pamahalaan nitong lungsod ng Butuan na mga walk-ins na magpunta sa kahit na saan mang vaccination sites.
Ito ay matapos batikusin ang kawalang aksyong ginawa ng city government at ng mga pulis sa ilang araw ng pagkukumpol-kumpol ng mga nais magpaturok ng bakuna na nagsimula noong Lunes nang sinimulang iturok ang Janssen vaccines kung kaya’t ito’y naging super-spreader event.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Butuan City Police Office spokesperson PMajor Emerson Alipit, na hinigpitan na nila ngayon ang pinapapilang mga tao lalo na sa may FSUU gym sa sentrong bahagi nitong lungsod.
Tanging yaong may confirmation text lamang mula sa city government na eskedyol ng kanilang pagpapabakuna ang pinapapila.