GENERAL SANTOS CITY – Kaagad na-rescue ng pulisya ang mag-ina na nanghihingi ng limos sa San Miguel Street malapit sa isang mall sa lungsod.
Dahil sa post ng isang concerned citizen kaagad nag-viral ang social media post sa paghingi ng tulong ng mag-ina.
Makikita ang larawqan ng bata na nakahiga sa sahig na nilagyan ng tela.
Matapos pinaabot sa Bombo Radyo kaagad nagpadala ng tauhan si Col. Edilberto Tuzon para ma(rescue ang mag-ina.
Sa pamamagitan ng womens and children:s desk ng Lagao Police Station dinala ang mag-ina sa presinto at nalaman na residente ng Barangay Calumpang sa lungsod.
Nalaman na nahihirapan sa araw-araw na pagkain ang Ina na naglalabada lamang at dahil matumal ang kumukuha sa kanyang serbisyo naisipan nitong magpalimos na lamang para may maibili ng pagkain .
Nasa pangangalaga na ng CSWDO ang mag-ina habang hinahanapan ng bagong trabaho para hindi na ito babalik sa bangketa.